How would you want yours? We can have it hot or sweet, depending on your preference or mood for the day. I can make it chaotic with fine spices and herbs. But you wouldn't want that, would you? You can pick, its all up to you. I wish I could make the decision for you. I am not quite sure if you would take it as I do. I am just here to do as you command. I am just your hand but it doesn't matter if it's the left or the right. Smile, would you want it be just like before? the Classic? I know its hard. With all the little details you need to get right. Just take your time. Never hurry, though the meter is running. Make sense out of it. I can be very annoying, but please don't mind me. So, how would you want it? And Yes! We do serve Fried Chicken.
Okay. ito na naman tayo, matapos kung grumaduate ang kolehiyo sa loob ng limang mahabang taon, muli ko na namang sinuong ang isang masukal na kagubatan ng buhay.. growing up...young adulthood daw ata tawag dito.
Part 1 Masarap ang buhay, may trabaho, kumikita, at may pera kahit papaano. Isang taon ang lumipas noong ako ay nagtapos (napaka-ikli ng pahingga), na-miss ko ulit ang pagiging estudyante, madaming pumapasok sa isip ko, mga bagay na gusto ko gawin. Napa-isip ako, ano na ang kakalabasan ng buhay ko? Di naman siguro masama kung paminsa-minsan ay iisipin natin kung ano ang ating magiging buhay sa hinaharap. Wala pa akong konkretong plano kung ano ang gagawin ko para marating ko ang aking mga mithiin. Subalit alam ko na pagtungtong ko sa edad na 40 (where real life begins daw) eh dapat mayaman na ako, may mabait (magandang) asawa, at matatalinong mga anak. Simple lamang, diba? Isang normal at masaganang buhay ang aking nais. Kung pagpapalain din ni "Man in the Sky", eh bukal sa loob kong tatanggapin ang mga additional na blessings. Kung di tayo papahirapan para makuha ang mga gusto natin sa buhay, eh wag na tayong magcomplain. Tanggap lang ng tanggap. Simpleng tao lang ako! So kung ibebreakdown ko ang aking pangarap ay maari ko itong hatiin sa: a) magandang trabaho b) magandang asawa plus matatalinong mga anak c) pano ko to makukuha using minimum effort Part 1. A A. magandang trabaho Paano ka makakakuha ng isang maganda, permanente, malaki ang sahod na trabaho? Lahat ng mga estudyante, lalo na iyong mga nasa kolehiyo ay nag-iilusyon na paglabas nila ng Unibersidad ay naghihintay sa kanila ang isang magara at maayos na buhay. Yong tipong matapos ang lahat ng paghihirap mo sa kolehiyo at mapapasabi ka ng "ito yon eh, nagbungga rin!! salamat kay Ama at Ina!". Napakaganda, diba? Pero huwag kayong UMASA! Walang naghihintay sa inyo, maliban na lang kung uno uno ang grado mo. Yong tipong di ka pa natatapos mag-aral ay pinag-aagawan ka na ng mga kompanya. hooo! Iilan lamang ang mga taong ganon. Sa kasawaing palad eh walang garantiya na may maganda kang trabaho kahit makatapos ka man sa kolehiyo. So pano nga ba ako magkakaroon ng magandang trabaho?? At dahil ako ay mayabang at malakas ang Fighting Spirit naisip kong kumuha ng ABOGASYA. Sa lahat ng bagay, bakit ito pa? Alam ko namang mahirap ito, pero di ko inaasahang sobrang hirap pala! Ang mas malala ay pagsasabayain ko ang trabaho at eskwela. Mahusay! Kung mga kaedadan ko na mayroong trabaho ang pinoproblema nila ay kung paano nila gagastusin ung sahod nila (may punto din na ganon ako), pero ako, ngayon, ay kung papaano ko masusurvive to ng may pera dahil mahal ang matrikula. Di ako nagcocomplain, tinitignan ko na lang na parang investment to. Limang taon, tiis tiss lang at sana balang araw ay kung matapos ko to at palarin sa larangang ito ay YUMAMAN ako sa mabuting pamamraan. Di madali pero ganon talaga.. Part 1. B b) magandang asawa plus matatalinong mga anak Aheemm. Mejo long shot ito. Dahil sa ngayon eh wala pa akong nobya. Di ko alam ang dahilan, di naman ako nagkukulang ga paghahanap at pagsipat sa mga kababaihan, pero wala parin talagang nahuhulog sa bitag ko. Wala ako nong charms ng mga Bad Boys eh, ung charm na parang mina-magnet nila ang mga girls. Yong tipong kahit gaano nila gaguhin yong mga babae eh hahabol-habulin parin sila ng mga ito. Tipong Ramon Bautista lang ang kaya ko eh, di ako pumasa don sa level na Luis Manzano or Gerard Anderson or John Loyd. Boy charm lang ata ang meron ako at madalas pa sa pagdaan ng bagyo sa bicol kung matorpe ako sa gusto kong chikas. Pero di naman tayo ganon kahina, darating din ang pinakamagandang babae para sa atin. Medyo tagalid lang talaga tayo doon sa part na "maganda at mabait asawa" at (bonus na rin kung seksi), pero masasabi kong sa part na "matatalinong mga anak", malaki ang chance natin jan. May pagmamanahan eh. ALam na, diba? Wala namang DUDA! Part 1. C c) pano ko to makukuha using minimum effort? Okay. Ito yong part dito na magppakatotoo ako. Alam na alam ko kasi to eh, kung may master sa ganitong bagay, ay masasabi kong.. kailangan ko siyang maka-usap. Sorry Guys, walang SHORTCUT sa buhay. Kelangan talaga nating daanan yong mga paghihirap upang makuha natin ang gusto natin. Kasi kung madali lang pala eh para saan ang mga thor jokes? ay mali! Walang halong biro pero siguro malabo tong konsepto na to ng "minimum effort". Kailangan mo talaga ng sandamakmak na effort, ke sa pag-aaral man yan, pambobola este panliligaw, atbp. Di ibibigay sayo ang lahat ng bagay, minsan kelangan mong mag-MAN UP at kunin kung ano ang gusto mo. Pwede kang maghintay pwede ring magdasal pero sa huli, kailangan mong kumilos. Kailangang may gawin ka. Kailangang hawakan mo ang mga bagay na gusto mo at kailangan mo din patuloy na ipaglaban ang mga to dahil madaming may gusto ng mga yan.. aagawin nila sayo yan. Di porket nakuha mo na eh sayo na habang buhay. MAXIMUM EFFORT ang kailangan natin mga kapatid. At yan ang katotohanan.... ito na siguro ang parte ng buhay ko kung saan kailangan ko ng "mag-look back" o "mag-reflect" sa nakalipas na limang taon, siyam na taon, dalawamput-dalawang taon.. subalit hindi kasi ako ang tipong mahilig lumingon sa nakalipas... ako ang tipong gustong bumalik sa nakalipas. hindi para ulitin ang aking mga nagawa noon, kundi muling maranasan ang bagay na nagkaroon ng malaking impact sa aking buhay. mga bagay na nagpasaya, nagpalunglot, tumakot, at nagpakaba sa akin.
limang taon (4 years nga lang dapt eh), ambilis naman ng limang taon, parang kahapon lang nakapila ako as AS para mag-enroll. parang isang mahabang biyahe, siguro sa bandang gitna ay nakatulog ako at paggising ko ay nakarating na ang bus sa aming paroroonan, ...sana ganon nga ang nangyari. tapos na agad ako sa college, hindi sa hindi ko namalayan, pero hindi ko alam kung handa na ba akong harapin ang mga pagsubok sa labas ng unibersidad. hindi ko alam kung gusto ko ng bitawan ang pagiging estudyante (tamad kasi). makulay, magulo, masaya, hindi ko alam kung ano ang salitang akma para ilarawan ang aking buhay sa Unibersidad ng Pilipinas. maraming tao ang aking nakilala sa aking limang taon na pamamalagi sa malawak at masukal na mundo sa UP (naks). hindi ko na sila iisa-isahin, masyadong madami at ayaw kong magbilang. sigurado akong hahanap-hanapin ko ang mga adventures at mis-adventures ko sa loob ng campus, lalo na yong kasama ang PINOY '55 at Rushans(sige na nga). wala akong maipagmamalaking mataas na grado (like someone from BS Math) subalit masasabi kong kung may grado ang mga karanasan sa labas ng classroom ay 1.75 siguro ako (di ako GC). nasubukan ko lahat halos (except drugs..di ako ganon). at sobrang masaya ako (noon pa o lagi naman?) sa nangyari sa akin sa college, kahit sabihin ng iba na mas maganda sana kung nagsipag o pinagbutihan ko pa sana kahit kaunti. siguro ay kalokohan o kagaguhan ang tawag ng iba sa mga ginawa ko bilang estudyante, pero ang tawag namin doon ng mga friends ko ay "learning experiences". totoo marami akong natutunan, good and almost good things. at ngayon ay natapos na raw ako sa college, ito na yon! sa mga kapwa kung nagtapos ngayong 2011, sa UP man o hindi, with honors o wala, on-time o hindi, CHEERS! Kasama na kayo sa mahabang listahan ng unemployed sa Pilipinas (Joke, mayabang ako kasi may trabaho na kasi ako). maraming salamat sa inyong lahat, dahil sa inyo di ako nalungkot noong nagka-singko ako, alam ko rin kasing bukod sa akin maraming ring may singko, at alam kong yong iba jan mas malala pa sa akin...gumagaan ang loob ko. teka! di patapos ang pagsubok natin, maging mabuting mamamayan sana tayo ng PILIPINAS (bahala na kayo kung pano niyo gagawin yon, mahirap nang dalawin ng mumu ni Prof. Monsod). sa mga guro, naging guro ko man o hindi, sobrang salamat. malakas ako umabsent at minsan natutulog ako sa klase, pero marami parin akong natutunan sa inyo. sa mga magulang na nagsumikap upang igapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak, Good Job. sa Pamahalaan ng Pilipinas, NO Thanks (joke. tnx na nga). Kay Lord, Salamat rin ng marami! Happy Graduation mga katoto!! ito na yon, step up dapat tayo. ulol (uber laughing out loud) |
Author"The role of a writer is not to say what we all can say, but what we are unable to say." ~Anaïs Nin Archives
December 2013
Categories |