Maraming dahilan para manlumo at sumuko na ako ng tuluyan, madaming dahilan para mawalan ng pag-asa. Subalit habang nilulunod ako ng mga problema lalong namang dumarami ang dahilan para magpatuloy at bumangon. Likas na sakin ang pagiging positibo. Sa kabila ng mga agam-agam ay nakakahanap ako ng dahilan para ngumiti parin.
Malalampasan ko din lahat ito. Mapagtatagumpayan at mangingibabaw parin ako sa dulo. Hindi ko alam kung pano pero alam ko na kaya ko ang lahat ng pagsubok na dinaraanan ko. Mapalad ako dahil madali kong nakikita ang lahat ng mabuti at maganda sa buhay. Para akong dahon na lumulutang sa ilog na malakas ang agos. Gaano man kabagsik ang liko at hampas ng tubig, nakalutang parin.
Naalala ko ulit ang laman ng sobre. Bumigat ang ulo ko, nagtatanong kung saan at paano ko masasagot ito. Saka ko naalalang magpapasko na pala, walang dahilan para magpatalo sa kaba at duda. Walang dahilan para manghina....padayon.... kampay lang ng kampay para pansamantalang lumutang..
-----------------
Di magandang buksan ang mga bills para simulan ang araw.
Badtrip! #GlobeTelecoms