Sa isang bulaklak nahumaling ang mata
Nais ko'y manatili, buhay ay tunghayan
kagandahang sumibol sa pagmamahalan
sa aking isipan unti-unting nalalanta
Sasapit ang ulan na asam at ang oras ay lilipad
Matutuyo sa init, tatangayin din ng hangin
San man dadalhin ng buyong di magpatawad
Ang tanging hiling, magkadaupang-palad
Ako’y dito lamang sa labas ng harding di ko mawari
Sapagkat sa marikit na bulaklak, may nagmamay-ari
Sa ilalim ng buwan at mga talang humahanga
Marapat bang ikay kanyang isilid at ikubli?
Kung magsasara ang pintuan, at di pagbuksan
Mag-aantay sa muling mong pamumukadkad
Sana doon ka sa bintana muling dumungaw
Upang masilayan, bulaklak na hindi mapasa-akin
-L. M. Paragas