Dahil maulan panis ang outdoor activities. Magkukulong sa sa bahay at walang ibang magawa kundi humiga, manood ng T.V., surf sa net, or matulog. Sobrang "low key" at matamlay ang araw kapag umuulan. Bakit nga ba ganto ang nararamdaman ng kariniwang tao sa tuwing umuulan? Bakit eh madalas na kalakip ng kalungkutan ang ulan, ng takot ang kulog at kidlat?
Sa ibang lugar eh ang ulan ay nangangahulugan ng biyaya ng Maykapal, simbulo ng kasiyahan, ng masaganang ani, ng pagtubo ng halaman at nagdadala ng pag-asa. Pero bakit ba kalungkutan ang hatid ng ulan sa karamihan sa ating mga Pinoy?
Sabi nga nila lahat ng sobra ay masama. Nitong nakaraang dalawang linggo ay sobra ang buhos ng ulan, nagmistulang pala-isdan ang mga lansangan, umapaw ang mga ilog at halos mapuno ang mga dam. Isa marahil ito sa mga dahilan kung bakit eh malungkot ang mga tao kapag maulan. Dahil kapag sobra ang buhos ng ulan automatic na kasunod na nito ang baha, sakuna, at iba pang mga nakakapanlumong mga bagay gaya ng pagkansela sa klase at mga pasok sa opisina. Halimbawa isa kang mag-aaral, at may crush ka sa isa sa mga kamag-aral mo. Gawa ng baha ay nakansela ang inyong pasok at buong araw na di mo makikita ang crush mo. Buong araw ka ring malulungkot at mananamlay. Ngayon isipin natin, lahat ng mag-aaral ay may kanya kanyang crush sa eskwela, eh di lahat sila malungkot. Pwede rin nating i-apply ito sa trabaho, at iba pang mga senaryo.
Dahil ba ang mga malulungkot na eksena sa mga pelikulang napapanood natin ay sa ulan ang scene? Gaya nong nagwala si Popoy dahil mayroong kasamang iba si Basha sa "One more Chance"? Isa rin sa nakikita kong dahilan kung bakit nanamlay ang mga tao sa tuwing malakas ang buhos ng ulan ay mga pelikula, telenobela, mga music video at mga kanta. Lahat ng mga emosyonal na eksena sa pelikula, etc. ay sa ulan gingawa (please see ~ One more chance, Meteor Garden, etc.). Naalala niyo yong tumayo si Dao Ming Su sa ulan para pagbigyan ng mama niya ang pagmamahaln nila ni Sanchai?
At tayong mga Pilipino ay likas na mahihilig sumubabay ng mga telenobela, parang parte na ng buhay natin ang pag-upo sa harap ng telebisyon upang makidama sa drama ng mga bida sa mga telenobela. Sa kadahilanang isa sa mga pinakagasgas na pamamaraan ng mga gumagawa ng mga pelikula, etc. upang lalong pa-angatin ang kaulungkutan sa mga eksena ay ang "eksena sa ulan". Libing habang umuulan, break up habang umuulan, patayan habang umuulan, atbp. Ngayon tayong mga Pilipino sa tuwing umuulan eh naalala natin ang mga ito at naalala natin ang mga mga malulungkot na eksena, pwes eh malungkot na rin tayo. Emo for the day. Pareho din ito sa mga music videos at mga kanta. Examples ay ang Cry in the Rain ng Orient Pearl, Trough the Rain ni mariah(?).
Ikaw bat ka nalulungkot kapag maulan? May iba ka pa bang dahilan?
**Pagdasal natin ang mga kababayan nating apektado ng crisis gawa ng walang tigil na ulan at sana tunigil na ang ulan, at nasaan ka araw.
**The Photo: A boy rides on a makeshift boat along a flooded street in Las Pinas, Metro Manila August 7, 2012. REUTERS/Erik De Castro