pasensya ka na, di ko sayo pala nasabi
kahapon wala pala tayong klase
nabanggit ko bang may naghahanap sayo?
manliligaw mo ata, may dalang tsokolate
di ko din nasabi, may uling ka sa mukha
nagmamadali ka kasi, may lakad ka ba?
natext ko ba sayo? sana naman oo,
kasalanan ko ata bakit namatay aso ninyo
hinabol kasi ako noong dadalaw ako sayo
ayon tumakbo ako hanggang sa tapat na kanto
di ko napansin bat di na humabol si "Bruno"
nasagasaan na pala siya ng motorsiklo
madami pa akong di masabi-sabi sayo
naghihintay lang ng malupit tyempo...
may balat sa pwet suitor mong konyo, gulat ka ano?
biro lang baka isipin mo na akin siyang binoso
isa lang ata ang saiyo'y kaya kong sabihin
hi! pagtapos noon biglang nawawalan na ng dila
bakit kaya? kasi naman baka gusto na kita? ata?
ay! nadulas ako, buti dito lang sa tulang di mo mababasa.
-L. M. Paragas