naubos na ang tinta
pati sa bolpen kong pula
ayaw lumabas ng mga letra
kahit simpleng abakada
nakatunganga mula ala-una
nakikipaglaro sa gunita
kung paano maipaaabot
ako nama'y sobrang natatakot
di ko nais kwentuhang masinsinan
di ko nga magawang ika'y titigan
pero itong dropping form ko
ma'am! pirma mo ang kailangan
-L. M. Paragas
**para sa mga mahilig mag-drop ng subjects..
pati sa bolpen kong pula
ayaw lumabas ng mga letra
kahit simpleng abakada
nakatunganga mula ala-una
nakikipaglaro sa gunita
kung paano maipaaabot
ako nama'y sobrang natatakot
di ko nais kwentuhang masinsinan
di ko nga magawang ika'y titigan
pero itong dropping form ko
ma'am! pirma mo ang kailangan
-L. M. Paragas
**para sa mga mahilig mag-drop ng subjects..