Okay. ito na naman tayo, matapos kung grumaduate ang kolehiyo sa loob ng limang mahabang taon, muli ko na namang sinuong ang isang masukal na kagubatan ng buhay.. growing up...young adulthood daw ata tawag dito.
Part 1
Masarap ang buhay, may trabaho, kumikita, at may pera kahit papaano. Isang taon ang lumipas noong ako ay nagtapos (napaka-ikli ng pahingga), na-miss ko ulit ang pagiging estudyante, madaming pumapasok sa isip ko, mga bagay na gusto ko gawin. Napa-isip ako, ano na ang kakalabasan ng buhay ko? Di naman siguro masama kung paminsa-minsan ay iisipin natin kung ano ang ating magiging buhay sa hinaharap. Wala pa akong konkretong plano kung ano ang gagawin ko para marating ko ang aking mga mithiin. Subalit alam ko na pagtungtong ko sa edad na 40 (where real life begins daw) eh dapat mayaman na ako, may mabait (magandang) asawa, at matatalinong mga anak. Simple lamang, diba? Isang normal at masaganang buhay ang aking nais. Kung pagpapalain din ni "Man in the Sky", eh bukal sa loob kong tatanggapin ang mga additional na blessings. Kung di tayo papahirapan para makuha ang mga gusto natin sa buhay, eh wag na tayong magcomplain. Tanggap lang ng tanggap. Simpleng tao lang ako!
So kung ibebreakdown ko ang aking pangarap ay maari ko itong hatiin sa:
a) magandang trabaho
b) magandang asawa plus matatalinong mga anak
c) pano ko to makukuha using minimum effort
Part 1. A
A. magandang trabaho
Paano ka makakakuha ng isang maganda, permanente, malaki ang sahod na trabaho?
Lahat ng mga estudyante, lalo na iyong mga nasa kolehiyo ay nag-iilusyon na paglabas nila ng Unibersidad ay naghihintay sa kanila ang isang magara at maayos na buhay. Yong tipong matapos ang lahat ng paghihirap mo sa kolehiyo at mapapasabi ka ng "ito yon eh, nagbungga rin!! salamat kay Ama at Ina!". Napakaganda, diba? Pero huwag kayong UMASA! Walang naghihintay sa inyo, maliban na lang kung uno uno ang grado mo. Yong tipong di ka pa natatapos mag-aral ay pinag-aagawan ka na ng mga kompanya. hooo! Iilan lamang ang mga taong ganon. Sa kasawaing palad eh walang garantiya na may maganda kang trabaho kahit makatapos ka man sa kolehiyo.
So pano nga ba ako magkakaroon ng magandang trabaho?? At dahil ako ay mayabang at malakas ang Fighting Spirit naisip kong kumuha ng ABOGASYA.
Sa lahat ng bagay, bakit ito pa? Alam ko namang mahirap ito, pero di ko inaasahang sobrang hirap pala! Ang mas malala ay pagsasabayain ko ang trabaho at eskwela. Mahusay! Kung mga kaedadan ko na mayroong trabaho ang pinoproblema nila ay kung paano nila gagastusin ung sahod nila (may punto din na ganon ako), pero ako, ngayon, ay kung papaano ko masusurvive to ng may pera dahil mahal ang matrikula. Di ako nagcocomplain, tinitignan ko na lang na parang investment to. Limang taon, tiis tiss lang at sana balang araw ay kung matapos ko to at palarin sa larangang ito ay YUMAMAN ako sa mabuting pamamraan. Di madali pero ganon talaga..
Part 1. B

Aheemm. Mejo long shot ito. Dahil sa ngayon eh wala pa akong nobya. Di ko alam ang dahilan, di naman ako nagkukulang ga paghahanap at pagsipat sa mga kababaihan, pero wala parin talagang nahuhulog sa bitag ko. Wala ako nong charms ng mga Bad Boys eh, ung charm na parang mina-magnet nila ang mga girls. Yong tipong kahit gaano nila gaguhin yong mga babae eh hahabol-habulin parin sila ng mga ito. Tipong Ramon Bautista lang ang kaya ko eh, di ako pumasa don sa level na Luis Manzano or Gerard Anderson or John Loyd. Boy charm lang ata ang meron ako at madalas pa sa pagdaan ng bagyo sa bicol kung matorpe ako sa gusto kong chikas. Pero di naman tayo ganon kahina, darating din ang pinakamagandang babae para sa atin. Medyo tagalid lang talaga tayo doon sa part na "maganda at mabait asawa" at (bonus na rin kung seksi), pero masasabi kong sa part na "matatalinong mga anak", malaki ang chance natin jan. May pagmamanahan eh. ALam na, diba? Wala namang DUDA!
Part 1. C
c) pano ko to makukuha using minimum effort?
Okay. Ito yong part dito na magppakatotoo ako. Alam na alam ko kasi to eh, kung may master sa ganitong bagay, ay masasabi kong.. kailangan ko siyang maka-usap.
Sorry Guys, walang SHORTCUT sa buhay. Kelangan talaga nating daanan yong mga paghihirap upang makuha natin ang gusto natin. Kasi kung madali lang pala eh para saan ang mga thor jokes? ay mali! Walang halong biro pero siguro malabo tong konsepto na to ng "minimum effort". Kailangan mo talaga ng sandamakmak na effort, ke sa pag-aaral man yan, pambobola este panliligaw, atbp. Di ibibigay sayo ang lahat ng bagay, minsan kelangan mong mag-MAN UP at kunin kung ano ang gusto mo. Pwede kang maghintay pwede ring magdasal pero sa huli, kailangan mong kumilos. Kailangang may gawin ka. Kailangang hawakan mo ang mga bagay na gusto mo at kailangan mo din patuloy na ipaglaban ang mga to dahil madaming may gusto ng mga yan.. aagawin nila sayo yan. Di porket nakuha mo na eh sayo na habang buhay. MAXIMUM EFFORT ang kailangan natin mga kapatid. At yan ang katotohanan....