ito na siguro ang parte ng buhay ko kung saan kailangan ko ng "mag-look back" o "mag-reflect" sa nakalipas na limang taon, siyam na taon, dalawamput-dalawang taon.. subalit hindi kasi ako ang tipong mahilig lumingon sa nakalipas... ako ang tipong gustong bumalik sa nakalipas. hindi para ulitin ang aking mga nagawa noon, kundi muling maranasan ang bagay na nagkaroon ng malaking impact sa aking buhay. mga bagay na nagpasaya, nagpalunglot, tumakot, at nagpakaba sa akin.
limang taon (4 years nga lang dapt eh), ambilis naman ng limang taon, parang kahapon lang nakapila ako as AS para mag-enroll. parang isang mahabang biyahe, siguro sa bandang gitna ay nakatulog ako at paggising ko ay nakarating na ang bus sa aming paroroonan, ...sana ganon nga ang nangyari. tapos na agad ako sa college, hindi sa hindi ko namalayan, pero hindi ko alam kung handa na ba akong harapin ang mga pagsubok sa labas ng unibersidad. hindi ko alam kung gusto ko ng bitawan ang pagiging estudyante (tamad kasi).
makulay, magulo, masaya, hindi ko alam kung ano ang salitang akma para ilarawan ang aking buhay sa Unibersidad ng Pilipinas. maraming tao ang aking nakilala sa aking limang taon na pamamalagi sa malawak at masukal na mundo sa UP (naks). hindi ko na sila iisa-isahin, masyadong madami at ayaw kong magbilang. sigurado akong hahanap-hanapin ko ang mga adventures at mis-adventures ko sa loob ng campus, lalo na yong kasama ang PINOY '55 at Rushans(sige na nga). wala akong maipagmamalaking mataas na grado (like someone from BS Math) subalit masasabi kong kung may grado ang mga karanasan sa labas ng classroom ay 1.75 siguro ako (di ako GC). nasubukan ko lahat halos (except drugs..di ako ganon). at sobrang masaya ako (noon pa o lagi naman?) sa nangyari sa akin sa college, kahit sabihin ng iba na mas maganda sana kung nagsipag o pinagbutihan ko pa sana kahit kaunti. siguro ay kalokohan o kagaguhan ang tawag ng iba sa mga ginawa ko bilang estudyante, pero ang tawag namin doon ng mga friends ko ay "learning experiences". totoo marami akong natutunan, good and almost good things. at ngayon ay natapos na raw ako sa college, ito na yon!
sa mga kapwa kung nagtapos ngayong 2011, sa UP man o hindi, with honors o wala, on-time o hindi, CHEERS! Kasama na kayo sa mahabang listahan ng unemployed sa Pilipinas (Joke, mayabang ako kasi may trabaho na kasi ako). maraming salamat sa inyong lahat, dahil sa inyo di ako nalungkot noong nagka-singko ako, alam ko rin kasing bukod sa akin maraming ring may singko, at alam kong yong iba jan mas malala pa sa akin...gumagaan ang loob ko. teka! di patapos ang pagsubok natin, maging mabuting mamamayan sana tayo ng PILIPINAS (bahala na kayo kung pano niyo gagawin yon, mahirap nang dalawin ng mumu ni Prof. Monsod). sa mga guro, naging guro ko man o hindi, sobrang salamat. malakas ako umabsent at minsan natutulog ako sa klase, pero marami parin akong natutunan sa inyo. sa mga magulang na nagsumikap upang igapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak, Good Job. sa Pamahalaan ng Pilipinas, NO Thanks (joke. tnx na nga). Kay Lord, Salamat rin ng marami!
Happy Graduation mga katoto!! ito na yon, step up dapat tayo. ulol (uber laughing out loud)