Binuksan ko ng marahan ang maliit na sobre. Bagamat inaasahan ko na ang laman nito, nagulat parin ako. Hindi ko matanggap ang nakasaad sa maliit na papel na laman ng sobre. Napabuntong hininga ako habang hinahanap sa ulirat ko ang kasagutan sa mga tanong na biglang bumungad sa gunita ko.
Maraming dahilan para manlumo at sumuko na ako ng tuluyan, madaming dahilan para mawalan ng pag-asa. Subalit habang nilulunod ako ng mga problema lalong namang dumarami ang dahilan para magpatuloy at bumangon. Likas na sakin ang pagiging positibo. Sa kabila ng mga agam-agam ay nakakahanap ako ng dahilan para ngumiti parin.
Malalampasan ko din lahat ito. Mapagtatagumpayan at mangingibabaw parin ako sa dulo. Hindi ko alam kung pano pero alam ko na kaya ko ang lahat ng pagsubok na dinaraanan ko. Mapalad ako dahil madali kong nakikita ang lahat ng mabuti at maganda sa buhay. Para akong dahon na lumulutang sa ilog na malakas ang agos. Gaano man kabagsik ang liko at hampas ng tubig, nakalutang parin.
Naalala ko ulit ang laman ng sobre. Bumigat ang ulo ko, nagtatanong kung saan at paano ko masasagot ito. Saka ko naalalang magpapasko na pala, walang dahilan para magpatalo sa kaba at duda. Walang dahilan para manghina....padayon.... kampay lang ng kampay para pansamantalang lumutang..
-----------------
Di magandang buksan ang mga bills para simulan ang araw.
Badtrip! #GlobeTelecoms